Hey, tigilan mo yan. 

Bakit mo sinasabing di ka maganda? Bakit mo sinasabing kaya ka hindi nagkakaroon ng lovelife ay dahil pangit ka? Bakit? Eh alam naman natin na hindi totoo yan eh. Alam mo kasi, dapat mahalin mo muna sarili mo. Dapat proud ka sa kung ano ang itsura mo. Kung pango ilong mo, so what? Mahalin mo yan at iappreciate mo kasi iyo yan, hindi sa akin o hindi sa kanya kundi iyo. Be proud! Pakialam ba ng ibang tao kung nakahiga yan e kung nakahiga din naman ilong ng mama at papa mo, ang importante eh nakakahinga ka pa rin, yun! Dun ka magpasalamat. Wag mo gawing kapansanan ang mga parte sa katawan mo na okay naman. Kahit gaano pa kalaki ang butas ng ilong mo eh magpasalamat ka dahil yung iba nga dyan eh nagkakandaugaga na sa kakasabit ng tube para lang matustusan ang paghinga nila samantalang ikaw reklamo nang reklamo? Wag ganun. Wag mo idown sarili mo dahil lang sa tingin mo ay pangit ang mata mo, o ang ilong mo o ang complexion mo. So what kung medyo malaki mata mo. So what kung makakapal ang labi mo. So what kung maitim ka. Eh ganyan ka pinanganak eh. Dapat marunong kang makuntento. At dapat din marunong kang umappreciate sa mga bagay bagay lalo na kung bigay at likha ni Lord. Wag kang negative at todo self-pity dyan. Be proud sa kung ano ang itsura mo, sa kung ano ka at kung sino ka. Minsan kasi kung ano ang pinapakita mo sa ibang tao eh yun din ang nakikita nila sayo. Nagrereflect ang bawat actions mo sayo. Kung pinapakitaan mo sila na pangit ang tingin mo sa sarili mo edi may chances din na magiging ganun ang tingin nila sayo. Wala kang ibang totoong kakampi kundi ang sarili mo, tandaan mo yan. Mahalin mo muna ang katawang nagbibigay sayo ng pagkakataong maexperience ang mga pwedeng maexperience sa mundong ito bago ka maghangad ng pagmamahal mula sa ibang tao. You are wonderfully made by God. Wag mong insultuhin ang sarili mo. Maganda ka, okay? Maganda ka.

Have a thought? Leave a comment here.
blog comments powered by Disqus
143 notes
  1. khpearll reblogged this from escafeism
  2. bibangxx reblogged this from escafeism
  3. cheirene reblogged this from msshearty
  4. eyeleeex reblogged this from msshearty
  5. princesspainx reblogged this from msshearty
  6. dyosangmasungit reblogged this from msshearty
  7. brightchild05 reblogged this from escafeism and added:
    I cri :“((
  8. helloiscia reblogged this from msshearty
  9. pienibaks reblogged this from escafeism
  10. infinityandfalalala-blog reblogged this from escafeism
  11. escafeism posted this