Okay ka lang?
Mag-isa na lang ako. Hay. Feeling ko kami na lang talaga ng mga bagay na pagmamay-ari ko ang magpapatunay ng forever. Kapag tapos na ang araw ako na lang, walang kasama. Nanunuod ng movie o kung anu-ano pati pagbabasa ng sandamukal na libro ang ginagawa ko para lang hindi ko maisip na mag-isa ako. Pamilya ko may favoritism, kaya naman hirap along pakisamahan sila. Nahihirapan ako magsalita sa harap nila kasi alam ko na walang tama kapag ako na ang nagsabi ng kung anu-ano. Mga kaibigan ko naman ewan ko ba kung bakit parang kumukonti, hindi ko alam kung may mali ba sa akin o wala, kung may nagagawa ba ako na masyado nang hindi maganda para layuan nila ako. Ang hirap kasi wala na akong pedeng pagsabihan ng problema ko. At dala dala ko yun araw-araw hehehe. Naiiyak na ako ngayon kasi nasa taxi kamj habang tinatype ko to. HAHAHAHA.
Ang hirap mag-isa grabe kasi wala kang kadamay, walang magsasabi sayo kung anong dapat mog gawin sa mga bagay-bagay.
Sa mga napagtrtripan ko sa kahit na anong paraan pasensya na kasi dun lang ako sumasaya. Sa ganong paraan feeling ko kumpleto ako at walang mali. Pagpasensyahan nyo na.
Hi, di ko alam kung binabasa mo tong blog ko kingina ka tol, miss na kita. Kailangan ki ng kausap kaso busy ka na dyan sa school mo eh, alam mo bang mag bago akong secret na sasabihin sayo. Yes naman may pangblack mail na ulit sya sakin. Kahit di kita bestfriend at gagago gago ka sayo ko lang nasabi lahat ng secret ko pati na rin yung mga awra ko na minsan ay inaagaw mo pang kingina ka hahahaha. I miss you tol, kita tayo minsan. Hihihihi.
Medyo madrama for today sorry.
mydarlingblue liked this diaryniganda liked this
diaryniganda posted this

