Hanggang GM nalang hanggang patama nalang sa text na send ‘to many’, ni hindi mo sya ma-pm tungkol sa nararamdaman mo, kapag nagseselos ka, nasasaktan ka, galit ka palaging GM lang, okaya minsan kanya kanyang damoves, kunwari GM pero sakanya mo lang...

Hanggang GM nalang hanggang patama nalang sa text na send ‘to many’, ni hindi mo sya ma-pm tungkol sa nararamdaman mo, kapag nagseselos ka, nasasaktan ka, galit ka palaging GM lang, okaya minsan kanya kanyang damoves, kunwari GM pero sakanya mo lang naman issend, tas maghihintay ka ng reply nya. Hirap no? Yung araw araw winiwish mo na sana alam nyang siya yung pinapatamaan mo.

Hanggang kanta nalang hanggang lyrics nalang ang feelings mo dahil hindi mo masabi ng harap harapan kaya dinadaan mo sa pagkanta o pagsesenti tuwing naririnig mo yung kanta. May scene pa na kapag andyan sya papatugtugin mo yung kanta tapos nakatingin ka lang sakanya, para bang nasa music video kayong dalawa tapos bawat lyrics sa kanta pakiramdam mo sinasabi mo sakanya ng harap harapan, pero hindi naman talaga. At favorite song mo pa yung kantang yon, nageffort kang aralin sa gitara, piano o kung anumang instrument yan tapos tinutugtog mo sa school o kahit saan, hinihiling mo na sana marinig nya at mapansin nya.

Hanggang diary nalang yung feelings at saloobin na hanggang notebook at ballpen lang ang nakakaalam, kasi takot kang malaman ng iba, kasi natatakot kang baka kumalat pa tapos malaman nya, eh di mas lalo ka pang mawalan ng chance sakanya, at nakakahiya kasi kapag nalaman nya baka umiwas sya sayo, kaya ang ginagawa mo sa diary mo lahat sinasabi, tinuring mong bestfriend ang diary, lahat ng kilig at emote moments mo diary lang nakakaalam, saklap no? Hanggang sulat ka lang.

Hanggang stalk nalang facebook, twitter, instagram, tumblr, askfm yan ang nakakaintindi sayo pagdating sakanya, palagi mong binibisita profile nya para lang ma-update sa kung ano meron sakanya, sino kasama nya, nasan sya, at kung anu ano pa. Tapos maghahalungkat ka ng mga pictures nya is-save mo sa cellphone mo tapos gagawin mong wallpaper mo, may sarili pa nga yang folder sa desktop mo eh, puro pictures nya lang. Tapos kapag may nakita ka sa accounts nya na nakakaselos or something mage-emote ka na akala mo karelasyon ka nya, patama patama ka pa sa mga accounts mo, as if naman matatamaan siya? Hirap no? ‘Stalker ka lang’

Hanggang blog nalang hanggang ‘tagged as rants’ nalang kasi natatakot kang baka mahalata nya na siya yon, mga rants na puro hugot mula sa nararamdaman mo sakanya, mga rants na puro para sakanya pero di mo masabi kasi natatakot ka, nahihiya ka, ayaw mong malaman ng iba kasi baka i-hate ka nila. May mga feelings na hanggang type nalang, hanggang tumblr, mga feelings na dinadaan nalang sa pagbblog para mabawasan yung mabigat na feeling na may gusto ka sakanya, mga feelings na hanggang poem, story, prose, oneliner lang.

Have a thought? Leave a comment here.
blog comments powered by Disqus
1,056 notes
  1. babaengumasanasaktan-blog reblogged this from dncblnz
  2. dncblnz reblogged this from ayawkomakipagusap
  3. themonotonouslife-blog1 reblogged this from ayawkomakipagusap
  4. ayawkomakipagusap reblogged this from ayawkomakipagusap
  5. lalawetpoet reblogged this from di-natututo
  6. pilyang-husband reblogged this from chinitangilokana
  7. curious--cat reblogged this from chinitangilokana
  8. sar-cxstic reblogged this from chinitangilokana
  9. blooody-maryy reblogged this from chinitangilokana
  10. chinitangilokana reblogged this from diaryniganda